Sunday, February 20, 2011


"The Simple Life Of Eco"
(Talambuhay ni Jerico Martinez)

                  Ako si Jerico Rioflorido Martinez. Ako ay ipinanganak sa "Seamen's Hospital" sa Intramuros Manila. Ang aking ama ay isang "machinest" siya ay si Gerardo Martinez at ang aking ina na si Lilian Martinez ay isang "House Wife". Sabi saakin ng nanay ko sumakay daw ang daddy ko noong ako ay ipinanganak. Noong ako ay tatlong taong gulang palamang ay hindi ko daaw kilala ang aking ama sa kadahilanang siya ay sumasakay sa barko.
ako ung nasa kaliwa.
si Regie ung nasa gitna
at si Eujon ung nasa kanan.
                 Ako at ang aking pamilya ay nakatira sa Mel Alcalde St. Tondo Manila. Noong ako ay bata pa nag karoon ako ng istant "best friend" na pinsan pa. Siya ay si Regie C. Rioflorido. Ako ay lagi niyang kasama mula nang kami ay tumuntong na sa mababang paaralan hanggang sa antas na tatlo. Lagi akong isinasama ng kanyang ama kung saan sila pupunta. Halos sa kanila na nga ako nakatira dahil doon ako nakiki kain, nag lalaro, nakiki tulog sa kadihilanang siya ay nag iisang anak, wala siyang  kalaro sa bahay nila kaya ako ang tinatawag ng kanyang ama. May isa pa kaming kababata siya ay si Eujon Paul Anggustia.
class picture namin nung kinder sa emilio jacinto elementary school.
                              Noong ako ay kinder ako ay pumasok sa paaralang “Emilio Jacinto Elemtary School” sa Manila. Noong una araw n gaming pasukan kami ay nahihiya sa kdahilanang wala pa kami ganong kakilala.
            Tuwing linggo ako at ang aking pamilya ay parating nag sisimba ng sama-sama. Pag katapos ng misa ay dumideretso kami sa aming paboritong kainan ang “JolliBee”. Kung minsan sa “JolliBee” kami nag seselebrate ng kaarawan o kung minsan ay doon kami ng papalipas oras kapag malapit na ulit umalis ang aking ama.Parati kaming nag sasama-sama tuwing may okasyon.
class picture namin nung grade 3.
            Noong bata pa ako syempre na pag daan ko ang mga larong “bagong silang, paway, tumbang preso, beng sak, teks, stiker, paper doll, pogs, tau tauhan, at Chinese garter”. Nag lalaro din ako ng “jakstone”, minsan un gang nagiging libangan naming sa aming bahay. Sa pinsan ko din ako naunang mag laro nang “playstation at computer”.
nung kami ay nag simba.
            Naging makulay din ang aking mga araw noong grade six ako. Marami akong nakilalang mga bagong kaibigan na hanging ngayon ay mayroon pa kaming connection hanggang ngayon. Gumawa pa nga sila ng group ng 6-mari curie (section naming nung grade six).Hindi ko rin malilimutan ang una kong nagging crush. Siya ay si Liezle Lirio Librado.
            Pagka tapos ko ng grade six ay lumipat kami ng dito sa San Pablo Laguna. Mga ilang araw lang ng pag ka graduate ko ay umalis na kami sa aming bahay na tinitirhan sa Manila. Kasi na una na ung ibang gamit naming na dineliver sa Laguna tapos nag iwan lang ng ilang gamit na kailangan namin. Dito na pinasyang manirahan ng aking ama sa kadahilanang lalong gumugulo sa Maynila.
            Noong una akong pumasok ako sa Dizon High ay hindi ako ganong nag sasalita kasi di ko masyadong maintindihan ang mga sinasabi nila. Dito rin sa Laguna ako na unang naka punta sa ilog at lake. Tuwang tuwa ako nung pumunta kami ng lake para lang akong bata.marami din akong nakilalang mga naging kaibigan ko. Sila ay sina Arjay, John Bert, John Paul, at marami pang iba. Noong 1st year ako unang nakapag cutting class (kasi isang subject lang). Dito ko rin naranasan ang whole day na pasok hanging ngayon. Kasi nung elementary ako half day lang pasok namin.
            Noong pag tung-tong ko ng 2nd year ay nakakilala pa ako ng mga bagong kaibegan. Sa taon ding ito ay ang unang beses akong sumali sa aktingan at swerteng nag wagi ng ikatlo sa pinaka magaling umarte. Ang iginanapan kong role ay Florante. Di ko nga akalaing mananalo ako. Kasi di ito palang ang pinaka una beses.
picture ko nung js. nung third year.
            Noong 3rd year ko nakilala ang kuya ko si Kevin Martinez kasi parehas kami ng apelyido. Dito ko din nakilala ang best friend na close friend pa na si Jim Carlo Pria. Lagi ko kasi syang kasama sa pag cu-cut classes. Lagi kaming half day kasi nag lalaro kami ng DOTA (Defense of the Ancient). Naaalala ko pa kapag nag lalaro kami ng dota marami kaming nakilalang tiga ibang school.
            4th year for me is a very inspiring year. I met a person whose name is Shaila Concheza. She is a lovely beautiful lady. When I first saw her I ask my classmate (an officer) “what is her name?” my classmate told me that it is the cousin of Dave Villanueva (my other classmate). I ask Dave if he has the number of his cousin but he did not give it to me so I went to my friend Ella (one of my class mate) I ask her if she can get the number of the volunteer named Shaila. Then after class she gave me the number of Shaila and we have been texting until now.

Lalo akong naging adik sa dota at lalong dumami ang aking mga dota friends. Pati ibang section suma-sama na saaming mag laro ng dota. Ano nga ba ang dota? Ito ang larong kina babaliwan ng ilan nating kababayan at syempre kasama na ako doon. Naaalala ko pa tuloy nung subject namin sa Values sabi nang teacher naming na si sir Gutierrez “sa inyong palagay saan nyo maaaring ihalin tulad ang inyong buhay?” karamihan sa aking mga kamag aral ang sagot ay gulong pero ako iba. Nag taas ako ng kamay tapos tinawag ako ni sir sabi ni sir “yes Jerico” sabi ko “sir sa dota po” tapos bigla silang nag tawanan, sabi ni sir “(natatwa pa) sige ipaliwanag mo sakin kung bakit inihalintulad mo ang buhay mo sa dota”. “sir tulad po ng tao kailangan ng pera para makakain sa dota kailangan ng pera para maka build up. Minsan kailangan nating sumulong saating buhay sa dota push ang tawag. Protektahan ang mahalaga satin sa dota mag defend.kailangan din sa mga tao ang mag kaisa sa dota mag full force. Minsan di natin inaasahan ang problemang biglang darating saating buhay sa dota ay gang bang. Kailangan din ng tao ang dumiskarte sa buhay sa dota maka money shot. Mag hanap ng mapag kakakitaan ng pera sa dota mag hunt ng kalaban. Kailangan din ng tao ang mag hanap ng mag bibigay sa kanya ng lakas o pagkalinga sa dota ay mag rune. Maging independent sa buhay at dumiskarte para sa sarili sa dota ay mag farm. Sa buhay ng tao kailangang harapin ang mga kinatatakutan sa dota naman ay mag clash.” O diba nag ka 95% pa nga sa recitation.
Maraming pag subok ang dumarating sa ating buhay. Hindi natin kailangang takasan ang nmga pag subok ang kailangan lang natin harapin ito ng buong tapang at gabay ng magulang. Yan ang talam buhay ni Jerico Rioflorido Martinez.                
before
after










“Sanay nagustuhan ninyo ang aking talam buhay.”

No comments:

Post a Comment