Saturday, February 19, 2011




kwento ng buhay ko!
 (Ang Talambuhay ni Rischelle S. Villanueva)






noong ako ay binyagan
ang aking ama at ina
              Ako si Rischelle Salcedo Villanueva naktira sa Brgy. Soledad San Pablo City, labing anim na taong gulang isinilang noong Hulyo !6, 1994 sa Brgy. Soledad. Bininyagan ako noong Oktubre 4, 1994.Ang mga magulang ko ay sina Dominga Salcedo Villanueva at Avelino Corbantes Villanueva. Ang Panganay ay si roldan S. Villanueva, Sumunod ay si Roseann S. Villanueva, ako ang pangatlo at ang aming bunso ay si Rejina S. Villanueva. lahat kami ay nag aaral. 
graduation day
              Natuto akong lumakad at magsalita sa tulong ng aking ina at mga nag aalaga sa akin.Naranasan kong maging masaya dahil sa tulong nila, sapagkat marami silang naituro sa akin na mga bagay noong bata pa ako. Hanggat nagkaroon na ako ng kaisipan at pumasok na ako sa kindergarten ng anim na taong gulang. habang tumatagal marami akong nagiging kaibigan, kalaro at kakampi. Noong Marso 22, 2001 ay nagtapos ako ng kindergarten sa St. Francis Day Care Center. Nagkamit ako ng ikatlong karangalang banggit. 
             Noong tumuntong na ako sa unang baitang ay nag - aral na ako sa Soledad Elementary School, dito ako natutong bumasa at sumulat ng mga salita at letra. Hanggang sa dumating na ako sa ika - anim na baitang, lalong dumami ang aking kaibigan at lalong lumawak ang aking kaalaman. Natuto din ako na lumahok sa mga ibat - ibang gawain tulad ng Day Camp na ginanap sa Lipa, Batangas.Nang dumating ang araw ng aking pagtatapos buwan ng Marso 2007 ay naging lubos ang aking kaligayahan dahil nakamtan ko na ang aking inaasam na pagtatapos sa elementarya
            Pagtuntong ko ng sekondarya ay pumasok ako sa CLDDMNHS o Col.Lauro D. dizon Memorial National Highschool. Sa unang Taon ko ay nasa section C ako, Sa unang pasok ay natakot ako kasi wala akong kakilala pero dumating yun oras na may nakilala ako na maituturing kong kaibigan. Tinanong niya ang aking apelyido at nalaman ko na magkasunod ang aming apelyido sa listahan siya ay si Jennisse Inah Visleno, siya ang pinakauna kong nakilala sa School.Mabait, madaldal at palakaibigan siya kaya nagkasundo kami. Habang tumatagal lalo akong napapalapit sa mga kaklase ko at marami na din akong naging kaibigan.Nang ako ay naging Second year na nasa section C pa din ako, hindi ko na mga naging kaklase yung mga taong napalapit na sa akin. Ngunit may nakilala ako na isang babae na tomboy siya ay si Melanie. Naging Kabarkada ko siya kasi mabait din siya at kasundo ko. Naging masaya rin naman ako sa mga bagong kong kaklase. Noong tumuntong na ako sa ikatlong taon panibago na namang mga kaklase ang nakasalamuha ko. May umalis, meron naman bumaba at tumaas ng section. Marami ankong natutunan at nalaman na mga kalokohan ng tumuntong ako sa taong ito. Naging makulit at maingay na ako( ito siguro ang epekto kapag maraming kaibigan :p). Maramimg masasayang nagyari sa akin tulad ng kapag kasama ko ang mga kaibigan ko, kapag wala kaming klase ay pumupunta kami sa Lake o kaya naman ay nagcocomputer. Mas naging masaya kami ng dumating na ang buwan ng pebrero kasi ito yun panahon kung saan kami ay makaattend o makakaranas ng junior - senior prom. Kahit nakakantok ay naging masaya ako dahil noon ko lang na experience an ganitong party lalo pa't isinayaw ako ng crush ko. 
Kaming tatlo nung js nung 3rd yr.


Kaming apat nung js nung 3rd year.
                 Ngayong nasa ika - apat na taon na ako, kami pa din ang magkakaibigan at magkakasama. Maraming nangyari sa akin ngayong taon  na nakatulong ng marami sa akin tulad ng labanan ng bawat section. Sisimulan ko sa cheerdance, nagpraktis kami agad upang kami ang magwagi, araw araw namin itong ginagawa kaya araw araw din kami nagagastusan. Noong nagsimula na ang laban kabado kami , pinapanalangin namin na manalo kami pero sa kasawiang palad ay naging fourth placer lang kami, pero ok na din dahil pinagpagudan namin yun at sa tingin namin ay maganda ang aming naipalabas. Sumunod na nilabanan namin ay ang "Highschool musical" sa english, nagpraktis din kami nang maaayos sabi kasi namin dito kami babawi akala namin ay mananalo kami kaya lang ay second placer lang kami pero ok lang din ulit kasi yun yung kaloob sa amin ni God at natutuwa na din kami sa aming award. Pagkatapos noon ay nagusap - usap kami na mgswimming kahit hindi kami ang nanalo. Ang saya ng aming swimming kahit kakaunti lang kami. Nagkaron din kami ng Fieldftrip sa ibat ibang lugar. Sumama ako dahil gusto kong marating yung mga lugar na yun. marami akong nakitang magandang tanawin at mga kaalaman na nakadagdag sa aking kaisipan.
at ang pinakahuling nangyari sa buhay ko ngaung taon na naging masaya para sa akin ay ang junior - senior prom, naging memorable ito sa akin dahil sa kakaibang tema nito, na hawaiian. Lahat kami ay nakadamit pang hawaiian(mabulaklak) khit ang mga lalaki. Masayang masaya ako nung gabing yun at hindi ko yun malilimutan.
        
Mga kaibigan ko.
Espren ko.
Kami ni Miki.



  Lahat ng mga magagandang experience ko na ito ay hindi makukumpleto kung wala ang aking pamilya at mga kaibigan. Ang aking mga tfriends na hindi ako iniwan ma pa saan man sila ay sina miki, karla, bel, zylene, beth, aileen at ang bestfriend ko na si Nineth. Sila ang kasa-kasama ko sa mga kalokohan, kasiyahan at kalungkutan ng buhay ko at sana kahit mag college na kami ay hindi kami magkalimutan at mas lalong pang  tumibay ang aming pagkakaibigan. 

ito ako ngayon(4rth year na)





At ito ang kuwento ng buhay ko............................

1 comment: