My Wonderful Life
(Talambuhay ni Maryjane Agoho)
Ako si Maryjane M.Agoho na isinilang sa San Jose Tiaong Quezon noong May 24 1993.Bunga ako ng mag kabiyak na Mario M.Agoho at Julia M.Agoho na tubong Quezon.lima kaming magkakapatid at ako ang pinalad na maging bunso at nag iisang babae lamang.Ang mga ito'y sina Michael,Manuel,Marlon,Marino at ako.
![]() |
noong ako'y bininyagan...cute ko nun.... |
Maliit lamang ang bahay namin na maituturing kung isang kubo lamang.Dito din ako bininyagan sa lugar na ito at ang aking naging ninong at ninang ay sina Mr.at Mrs Elsa Reyes.
Anim na taon na ako ng lumipat kami sa Barangay Sta veronica San Pablo City sa hindi maipaliwanag na kadahilanan kung bakit kami lumipat.Bago pa man kami lumipat dito sa lugar na ito maraming Barangay kaming tinirhan tulad ng Sta Elena,Palagaran,at Tiaong.
Hindi ako nakapag aral ng Grade 1 dito sa mababang paaralan ng Sta Veronica Elementary School.Noong una hindi ako nakapasa upang maging Grade 2 sa kadahilang ako ay sobrang mahiyain at medyo hindi ako naimik kapag ako'y tinatanong.Pero ang guro kung si Mrs Vivian C.Odiame ay hindi ako sinu kuan upang ako magkaroon ng tiwala sa sarili.Naalala ko kung paano niya pagalitan kapag hindi ako nakakasunod.At dahil sa aking gurong si Ma'am Odiame pinilit kung magbago at magkaroon ng lakas ng loob para sa mga darating na pagsubok
Natatandaan ko noong ako'y Grade 3 may nakaaway akong lalaki.Inaway kasi niya ang kaibigan ko.Sinipa ko siya at tumakbo ako sa loob ng aming room.Ang lakas ng loob kung patulan ang lalaking nyon.Siyempre alam ko naman na ipagtatanggol ako ng aking kuya.Grade 6 siya noon at kahit palagi kaming nag-aaway pinagtatanggol pa rin niya ako.
![]() |
noong nagkasabit ako noong Grade 4.. |
Dito sa dizon marami akong naging kakilala,mga kasapi ko sa ''running.Palagi kaming nag papraktis sa Sampalok Lake.Buong mag hapon kaming nag papraktis.Ang sakit sakit sa katawan.Parang gusto ko ng ngang umayaw,ang hirap kasi.
Lalaban na kami noon at hindi namin alam kung anong oras ang laban,eh di naglaro muna kami ng jackstone.Naiinip kasi kami,hindi namin nagsisimula na pala ang Division Meet na pala.Kaya yon hindi ako nakalaban sa dapat kung labanan.Inuna ko pa kasi ang pag lalaro ng jackstone.
![]() |
nag pikturan na kami noon. |
Maghahighschool na ako.Papasok na ako sa panibagong mundo.Sa Col.Lauro D.Dizon Memorial National Highshool.ako nag aral.nakilala ko doon ang unang kaibigan ko .Lagi kaming magkasama kung saan kami mag punta.Naaway rin naman kami kahit papaano ngunit nag kabati din agad kami.
2nd Year ng kami'y magkahiwalay.hindi na kami magkaklase.Pero kahit nagkahiwalay kami,dumating naman agad ang magiging kaibigan ko,sina Jayna.Marami kaming pinagdaanan,lumaban din kami ng Florante at Laura,panalo naman kami,kase ibinuhos lahat upang manalo lamang sa labang iyon.
![]() |
natapos na ang highschool musical namin.. |
Masaya ako ngayon at malapit na akong mag college at makakami ko na rin ang kagustuhan kong makatulong sa aking pamilya.
No comments:
Post a Comment