Nagtrabaho ang aking ina na si Rissabelle De Vera sa Maynila upang may maipangtustos sa kanyang pamilya. Dito niya nakilala ang aking ama na si Bernardo De Vera. Sila ay nagkaibigan, hindi sinasadyang nabumtis ang aking ina.
|
noong ako'y maliit pa |
Ako ang nagging bunga ng kanilang pagmamahalan. Noong Pebrero 22,1995 ako ay isinilang sa
San Pablo Doctors Hospital. Naging mahirap para sa aking inha ang ako ay alagaan, kaya’y pagkalipas ng 3 buwan ay ipinaalaga niya ako sa aking lola. Makalipas ang ilang buwan, sila ay nagpakasal sa Virac, Catanduanes noong Enero 16,1996.
Nagging mahirap para sa aking lolo at lola ang pagpapalaki sa akin. Napakakulit ko daw noong ako’y sanggol pa lamang. Naaalala pa daw nila noong ako’y nagsasayaw sa duyan.
Nagtrabaho ang aking ina at ama sa Maynila. Noong apat na taong gulang ako ay isinama nila ako sa Maynila upang doon manirahan. Ngunit nagging mahirap ang amig buhay kaya’t bumalik kami ng San Pablo upang mag-aral.
|
nagkamit ako ng parangal |
|
grduation picture ko |
Noong ako’y limang taong gulang na, ako ay nag-aral ng kinder sa Paaralang Pangelementarya ng
San Joaquin. Hindi daw ako magaling sa klase. Madalas patayo-tayo ako sa aking upuan, madalas mag-ingay at kung anu-ano pang kalokohan. Pero natapos ko ang kinder na ako ang best in Filipino. Noong ako ay nasa unang baitangh na, ay ginanahan akong mag-aral. Naaalala ko pa noong nagkaroon kami ng quiz bee sa klase at ito ay may premyong limang piso. Ako ang nagwagi sa quiz beeng ito at nanalo ng premyo. Natapos ko din ang unang baitang na ako ang First Honor. Noong ako ay nasa ikalawang baiting na, naimpluwensyahan ako ng aking mga kamag aral mg di-magandang salita. Dahil dito napektuhan ang aking pag-aaral. Natapos ko ang ikalawang baiting na ako ang 2
nd Honor. Ngunit bumawi ako sa ikatlong baiting. Pinanlalaban ako n gaming paaralan sa mga quiz bee noon. Nagging aktibo din ako sa Kab Scuots. Dahil ditto nakatapos ako ng ikatlong baiting na ako ulit ang 1
st Honor. Noong nasa ikaapat na baitang na ako ay nagging mahirap ito sa akin. Mahigpit ang aming guro.lagi niya akong pinagagalitan. Napasama din ako sa Unit I Cheer Leading Team. Nanalo kami sa district meet noon. Napakarami kong proyektong ginawa sa taong iyon, pero sa kabila ng lahat ng hirap ay natapos ko ang ikaapat na baiting na ako ulit ang 1
st honor. Noong ako ay nasa ikalimang baitang na ako ay kinabahan, sapagkat ayaw ng mga guro sa akin. Nagging kakaiba din ang aking mga karanasan sa taong ito. Naalala ko pa noong kami ay guawa ng bahay-bahayan sa likod ng paaralan. Nakaranas din ako ng di-pangkaraniwang bagay,
gaya ng mga multo. Naalala ko noong kami ay nagispirit of the coin. Masasabi kong ito ay talagang nakapangingilabot. Natatandaan ko din noong may nagpakita sa amin na isang batang nakalutang at duguan ang mukha . labis kaming nangilabot dahil dito. Natapos ko ang taon na ako ulit ang first honor. Noong ikaanim na baitang na, nahirapan ako, dahil ayaw sa akin ng aking guro. Pero nagkasundo din kami. Nagging hindi makakalimutang karanasan ang bawat araw ng taong ito para sa akin. Ako ang valedictorian n gaming klase. Labis akong natuwa sa aking nakamit. Humakot din ako ng parangal sa recognition naming.
Naging masaya ang aking bakasyon. Pero nawala ang saya noong mamatay ang aking lolo noong ika-8 ng Abril taong 2007. labis akong nalungkot sa nangyari. Ipinangako ko sa aking lolo na makakamit naming ang kampeonato sa nagaganap na liga sa aming barangay. Nakamit nga naming ito at ang lahat ng iyon ay para sa aming lolo.
Nag-enroll ako sa MSC upang doon mag aral ng sekondarya sapagkat may full scholarship ako dito. Noong pasukan na ay naging masaya ang mga unang araw ko ditto. Marami akong nakilala at natutunanan. Ngunit ditto din ako natuto ng paglalaro ng computer games. Labis na naman akong naadik sa maga ganitong bagay. Pero basketball amg naglayo sa akin sa masamang dulot nito sa akin, nagging varsity player pa ako ng aming paaralan. Ngunit di ako nakalaro sa palarong panlungsod. Ito ay dahil hindi kinaya ng katawan ko ang sobrang pagod. Labis itong nakaapekto sa aking pag-aaral. Nakatapos ako ng unang taon nang masaya sa mga naranasan ko.
Nagtransfer ako sa Dizon High sa kadahilanang hibdi na kaya ng magulang ko ang tuition sa dati komg paaralan. Nagging masaya ang ikalawang taon ko dahil sa II-B. nagkaroon ako ng maraming kaibigan sa aming paaralan. Pero nadala ako ng barkada at muli na naman akong nalulong sa computer. Bumaba ang grade ko at bumaba ang aking section.
|
ang pinakamahalagang tao sa buhay ko |
Noong 3
rd year na ako ay labis akong nahiarapan sa pakikibaggay sa aking mga kaklase. Parang nag-iisa ako lagi. Pero musika ang nagpalapit sa akin sa aking mga kaibigan. Tumutugtog kami nang sama-sama. Madalas din kaming maglaro ng basketball. Nagging masaya ang taon hanggang sa namatay ang aking lola. Nagpunta kami ng Virac upang dumalaw sa burol. Nang siya ay mailibing na, bumalik na kami upang hindi ako mahuli sa klase. Labis nitong naapektuhan ang aking pag-aaral. Pero may isang tao akong nasandalan. Si Shane Vyn M. Reyes. Siya ang taong dumamay sa akin sa lahat ng aking problema. Sya ung taong handing maging sandalan ko. Hanggang sa mapaibig niya ako. Hindi ko masabi ang aking nararamdaman sa kanya. Pero noong JS naming ay nasabi ko na ang aking nararamdaman. Noong Pebrero 16,2010, isinagot niya sa akin ang matamis niyang oo. Labis akong natuwa sa nangyari.
|
ako at ang mahal qowh |
Ngayong ikaapat na taon na ay magkasama pa rin kami. Lagi kaming magkaagapay sa mga problema. Nangako kami na walang iwanan ngayon, buka, at kailanman.
Ito ang talambuhay ko, si Rienard I. de Vera. Buhay na puno ng pagsubok, pero patuloy na bumabangon dahil sa aking mga pangarap.
No comments:
Post a Comment