Noong ika-17 ng Setyembre taong 1993 ay nagtanan sina Gerardo Reyes ,ang aking ama na nasa edad na 17 taong gulamg ,at si Mylene Manalo ,ang aking ina na nasa edad 16 na taong gulang pa lamang. Sila ay unang nagtungo ,sa Sampaloc Lake sa bahay ng kanilang kaibigan. Noong araw ding iyon ,ay nagtungo din sila sa San Juan,Alaminos. Kinabukasan ,pumunta ang kanilang kaibigan sa bahay nina Renato Reyes at Flavia Reyes, sila ang aking lolo at lola sa panig ng aking ama. Pumunta ang kanilang kaibigan nila dito upang ipaalam na nagtanan ang aking maga magulang. Nang malaman nila ito, ay pinuntahan nila ang mag magulang ko sa San J uan, Alaminos upang sunduin sila para sa pamumulong kina Vicente Manalo at Violy Manalo, lola at lolo ko sa panig ng aking ina, upang pag-usapan ang kanilang pagkakasunduan. Dahil pareho pang menor de edad, napagpasyahan nilang magsama muna ang mga ito at tyaka ipakasal kapag nasa tamang gulang na.
|
nung ako'y pitong buwan pa lamang buhat ako ng aking ina. |
Sa kanilang pagsasama, ay hindi nila inaasahan na magdalang tao ang aking ina. Ang panganay nilang anak, ay isinilang noong ika-29 ng Oktubre taong 1995. pinangalanan nila itong Shane Vyn Manalo na walang iba kundi ako. Manalo ang apelyido ko noong ako ay bininyagan dahil hindi pa kasal ang aking maga magulang. Tuwang-tuwa ang lola't lolo ko sa panig ng ama ko dahil ako ang kaunaunahan nilang apo, at babae pa.
Taong 1996 ika-21 ng Hulyoay ikinasal ang aking ama't ina sa chapel ng Guadalupe Subdivision Lipa City. Kaya't inasikaso agad ng aking ama ang pagpapalit ng aking apelyido upang maging Reyes na ako. Ngunit pagkalipas ng ilang araw, ay nalaman nilang nagdadalang tao na naman ang aking ina. At napag-alaman din nilang ito pala ay ago ikasal ay buntis na kaya't isang taon lang mahigit ang tanda ko sa aking kapatid.Taong 1997 ika-9 nang Marso ayay ipinanganak ang aking kapatid na pinangalanang Ryan Paul Reyes.
Taong 1998 sa pagsasama nila ng isang taong mahigit ay naghiwalay ang mga magulang ko.Sabi ng lola't lolo ko lagi daw nag-aaway ang mga ito at madalas ay hindi magkasundo.Ngunit hindi ko rin alam ang tunay na dahilan kung bakit sila naghiwalay.Kaya't nag tig-isa sala ng anak,ako ay sa aking ama at si Paul ay sa aking ina.
Iniuwi ako ng aking ama sa bahay nang aking mga tiyahin,sa panig nang aking ama. Doon muna kami tumira. noong ako ay mag-aapat na taon ay pinapasok na ako ng mga tiya ng ama ko ng Day Care. Hindi daw ako umiiyak kapag iniiwan ako sa iskul,umiiyak lang daw ako kapag hindi ako binibigyan nang star ng aking guro.
Ngunit hindi nagtagal,ay umuwi kami ng aking ama sa San Pablo upang doon na permanenteng manirahan. Nandoon ang aking lola Flavia ,Ngunit ang tawag ko ay inay, ang aking lolo Renato ngunit ang tawag ko'y tatay. Sa makatuwid, sila ang parang naging tunay kong mga magulang, dahil ang aking ama na mas kilala ko sa tawag na daddy ay mas inuuna ang barkada kaysa sa akin. Kaya't sina inay at tatay ,ang nagpaaral sa akin.
|
nung gumaraduate ako ng grade VI |
Noong ako'y maglilimang taon, pinapasok na ako ni inay ng kinder. Katulad noong ako'y nag Day Care sa Lipa ay hindi rin ako umiiyak kapag ako'y iniiwan sa eskwelahan. Sa San Anton Elementary School ako pumasok. Pero hatid sundo pa rin ako ni inay.Madami din akong naging kaibigan dito, ngunit lagi akong lumiliban sa klase. Lagi kasing nawawala ang aking mga kuwaserno at lapis.Lagi akong napapagalitan noon,sahil hindi ko alam kung pano at sino ang kumukuha nito. Kaya'y ng gagraduate ako ng kinder ay muntkan pang hindi ako mapasama, buti na lang ay kinausap ng aking inay ang aking guro.Dahil dito ay nakagraduate ako,marunong na naman daw akong magsulat at magbasa ng kaunti.
Noong ako'y nasa unang baitang ay nakapasa naman ako dahil masipag naman akong mag-aral noon .Ngunit noong nasa ikalawang baitang na ako ay puro paglalaro na lamang ang aking inaatupag, ganoon din nang nasa ikatlong baitang na ako.Nang nasa ika-apat hangang ika-anim ay nahilig ako sa pagsali sa Mardigra na ginganap sa San Pablo bago magpistang bayan.Sumasama din ako sa mga camping at field trip ng Girl Scout.Nang ako'y gumaraduate ng elemantarya ay si daddy ang naghatid sakin.
|
nung magmardigra's kami nung ako'y grade IV |
Pagkatapos ng bakasyon ay nag-enrol kami ni inay sa Col.Lauro D.Dizon Mem.Nat'l High School. Ang naging seksyon ko ay F.Kinakabahan ako sapagkat iba't-ibang tao na ang aking makakasalamuha.Pero madami naman akong naging kaibigan,sa estado ko ngayon ay pinagbutihan ko ang aking pag-aaral lalo na sa Matimatika at Filapino. Dahil dito napapasama ako sa mga panlaban sa aming seksyon, tulad na lamang sa pingkian sa Filipino.
Nang mag second year ako ay seksyon F pa din ako.matas man ang mga marka ko sa card ay hindi pa din ako pinalad na tumaas ang seksyon.Dahil dito ay medyo tinamad na akong mag-aral,bumaba tuloy ang mga marka ko noong unang markahan.Nang mangyari yun ay nagsikap muli ako sa pag-aaral, yun napataas kong muli ang aking mga marka.Kahit marami kaming gingawang kamalditahan nang aking mga kaibigan sa labas ng eskwelahan, ay hindi naman namin ito dinadala sa loob ng silid.
|
ako noong highschool |
|
nung magvolunteer kaming tatlo sa C.A.T. |
Magpapasukan na ako'y third year na di ko alam kong tataas pa ang seksyon ko.Nang malaman ko na ang aking seksyon ay hindi ko inaasahan na maging III-C ako. May halong tuwa at kaba ang aking naramdaman, natutuwa dahil sa wakas tumaas na ang aking seksyon, kinakabahan kasi bakawala akong maging kaibigan. Pero mali pala ang pag-aakala ko mababait pala sila at maganda silang makitungo. Madami ulit akong naging bagong kaibigan dito.Madami ulit akong mga bagay na naranasan. Kaming tatlo ng aking kaibigan ay nag volunteer upang naging officer ng C.A.T. Mahirap man ay kinaya. Bakasyon summer training namin sa C.A.T. 20 araw lamang ito preo naging masaya naman, lalo na kapag natutulog kami sa iskul.Sa huling araw nito ay ibinigay na sa amin ni Sir Marfori ang aming magiging posisyon,masaya ako sa naging posisyon ko dahil ito talaga ang gusto ko ang maging 1st. Bat. Ex-O.
Nang mag fourth year ako ay seksyon C pa din ako. Madami ulit kaming bagong kaklase, madali naman namin silang nakasundo. Masyado pa lang abala kapag graduating na katulad namin,nakaka pagod pero ayus lang. Alam kong magiging sulit ang lahat ng aking paghihirap. Nagsisikap ako ngayon upang maiahon sa kahirapan ang aking pamilya. Sana ay magtgumpay ako sa aking mg minmithi sa buhay. Ito ang aking talambuhay.